Nagtakda na ng schedule ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas ng schedule para sa mga estudyanteng tatanggap ng educational assistance mula sa lokal na pamahalaan.
Dalawang libong piso ang tatanggapin ng college students, habang mga senior high school ay tatanggap ng isang libo at limang daang piso.
Mapapamahagian din ng isang libong piso ang non 4ps na day care hanggang high school students maging ALS learners habang limang daang piso ang lahat ng estudyanteng 4ps.
Kabilang din sa mga makakatanggap ang mga 4Ps na SPEd learners ng isang libo habang ang non-4Ps SPEd learners ay tatanggap din ng Php 2,000.00.
Layon nitong makatulong sa kanilang pangmatrikula upang maipagpatuloy ang kanilang mga pag-aaral.
Tiniyak ng LGU San Nicolas maging ang tanggapan ng kongresista sa ikaanim na distrito ang patuloy na suporta para sa mga kabataan ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨