𝗦𝗔𝗡 𝗥𝗢𝗤𝗨𝗘 𝗗𝗔𝗠, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚; 𝟭𝟭 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗦𝗜𝗣𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗗𝗔𝗗𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗠 𝗗𝗜𝗦𝗖𝗛𝗔𝗥𝗚𝗘

Nagpakawala ng tubig ang San Roque Dam, sa San Manuel Pangasinan kahapon.

Nauna nang inabisuhan ng National Power Corporation San Roque Dam Office ang publiko ukol sa Dam Discharge Warning Operation kung saan binuksan ang gate 2A ng 0.5 meters at may pagpapakawala ng aabot sa 53 cubic meters per second.

Ayon kay Ma. Theresa Serra, ang Division Manager of Flood Forecast and Warning under Dam’s Management Department of National Power Corporation, minimal lang ang dam discharge at ito ay bahagi ng kanilang preventive measure upang alalayan ang inflow ni Bagyong Kristine.

Pinag-igting ng mga direktang naapektuhan munisipalidad sa lalawigan tulad ng San Manuel, San Nicolas, Asingan, Tayug, Sta. Maria, Rosales, Villasis, Sto. Tomas, Alcala, Bautista at Bayambang ang kanilang hakbang upang maibsan ang inaasahang epekto ng pagbaha sa mga lugar.

Samantala, mariing hinihikayat ang mga residente na magsagawa na ng pre-emptive evacuation sa posibleng pag-apaw ng tubig sa ilog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments