𝗦𝗔𝗡𝗜𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗟𝗔𝗡𝗗𝗙𝗜𝗟𝗟 𝗟𝗘𝗔𝗖𝗛𝗔𝗧𝗘 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗢𝗡𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗜𝗖𝗜𝗔

Cauayan City – Pormal nang pinasinayaan ng Lokal na Pamahalaan ng Alicia, Isabela ang Municipal Sanitary Landfill Leachate Collection Pond Project.

Dumalo sa seremonya sina Cluster Head Imelda Aquino at MLGOO Genevieve Alipio, kasama ang mga tauhan mula sa Project Development and Management Unit (PDMU) at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Alicia.

Ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF), na may layuning maiwasan ang kontaminasyon ng tubig at lupa, mapanatili ang kalinisan, at maprotektahan ang kalusugan ng publiko.


Isa itong mahalagang hakbang upang tugunan ang mga hamon sa kapaligiran habang isinusulong ang isang mas ligtas at malinis na komunidad.

Ang proyekto ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng bayan ng Alicia na isulong ang mga inisyatibong nagpapalakas ng kaligtasan at kaunlaran para sa mga mamamayan nito.

Facebook Comments