
Cauayan City – Magkakaroon ng power interruption sa bahagi ng Luna sa darating na Linggo, Pebrero 15, 2026, mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-1:00 ng hapon.
Ayon sa abiso, maaapektuhan ang ilang lugar sa Barangay Centro II, partikular sa Purok 3 hanggang Purok 5.
Isasagawa ang pansamantalang pagkawala ng kuryente upang bigyang-daan ang pagpapalit ng sirang poste ng kuryente sa nasabing lugar.
Paalaala naman ng kinauukulan na maaaring maibalik ang suplay ng kuryente nang mas maaga oras o agad matapos ang maintenance.
Gayunman, pinapayuhan ang publiko na ituring na laging may daloy ng kuryente ang mga linya para sa kanilang kaligtasan.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










