Hinihikayat ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 ang ang mga incoming grade 12 students sa susunod na school year na mag-apply sa kanilang Fishery Scholarship Program.
Maaaring mag-apply ang mga anak ng mga rehistradong mangingisda o tinatawag na fisherfolk children educational grant, maaari din ito sa mga hindi anak ng mangingisda basta ito ay may patunay na sila ay kabilang sa honor student o tinatawag na fisheries industry leaders grant.
Maaari din ang naturang scholarship sa mga mag-aaral na kabilang sa isang tribo na kinikilala ng National Commission on Indigenous Peoples kahit na hindi anak ng mangingisda at hindi honor student o tinatawag na Indigenous Cultural Communities at Indigenous Peoples Scholarship.
Sa oras na makapasa sa examination ang mga nag-apply sa naturang scholarship program ay buwan-buwan ang mga itong makatatanggap ng stipend, book allowance tuwing umpisa na kada semester, OJT at summer fee kasama ang stipend ng mga ito ng dalawang buwan , pati na rin thesis allowance at graduation support.
Ilan sa mga requirements para sa aplikasyon ng fisherfolk children educational grant ay dapat registered fisherfolk o may certify mula sa Municipal Agriculture Office na sila ay registered fisherfolk, importante naman na may certify ng principal o school na kabilang sa honor students ang mga mag-aapply para sa fisherfolk industry leaders grant, at mai-certify naman ng tribal leader o ng NCIP na kabilang sa tribo at kung anong tribo nabibilang ang mga indigenous people na mag-aaplay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨