𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗚𝗨𝗔𝗥𝗗 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗡𝗨𝗠𝗔𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Haharap sa illegal discharge of firearm ang 34 anyos na security guard tubong Masbate City na si Janrey Huyo-a, matapos magpaputok ng baril sa construction site na pinagtatrabahuan nito sa Urdaneta City.

Sa salaysay ng witness, nag-iinuman kasama ang ilang kalalakihan sa isang construction site ang suspek dahil kaarawan umano nito nang biglang nakarinig ng putok ng baril.

Narekober sa construction site ang basyo ng caliber. 38 revolver at apat na live ammunition nito. Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek at ang kumpiskadong armas nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments