𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗚𝗨𝗔𝗥𝗗, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗧𝗨𝗠𝗜𝗟𝗔𝗣𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢

Patay ang isang security guard matapos itong tumilapo nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa concrete barrier sa Manaoag, Pangasinan.

Ayon sa mga saksi, nawalan ng kontrol sa manibela ang 52 anyos na biktima habang binabaybay ang kurbadang bahagi ng Brgy. Cabanbanan. Dahil dito, dumiretso ang motorsiklo hanggang sa tumilapon sa concrete barrier.

Hindi umano nakasuot ng helmet ang biktima nang mangyari ang insidente. Napuruhan ang ulo ng biktima na itinakbo pa sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments