𝗦𝗘𝗚𝗨𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡

Hinigpitan ng Alaminos City ang seguridad nito sa pagpasok ng buhay na baboy at pork products bilang hakbang na mapigilang makapasok ang African Swine Fever o ASF sa lungsod.

Sa inilabas na Executive Order No. 83 Series of 2024 ng lungsod, nakasaad dito ang pagbabawal sa pagpasok ng mga livehogs, mga karne at iba pang related products mula sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng ASF.

Nagsimula na ring mag-imbentaryo ang City Veterinary Office ng populasyon ng baboy sa lungsod, pagbibigay ng disinfectants para sa mga alagang baboy, at pagbabawal sa pagkatay ng hayop sa barangay alinsunod na rin sa umiiral na batas.

Nagtatag na rin ng animal quarantine checkpoint ang lungsod lalo na sa mga bahagi kung saan dumadaan ang mga ibinibyaheng karne ng baboy.

Nagsasagawa din ng pagbabantay ang PNP-Maritime at Philippine Coast Guard sa pagbabantay sa sakop na karagatan upang maiwasan na ito ang gawing daan upang makapag pasok ng mga hayop na may sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments