𝗦𝗘𝗚𝗨𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗡𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗟𝗜𝗚𝗜𝗢𝗨𝗦 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣, 𝗠𝗔𝗦𝗨𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡

Dumaan sa matinding pagpaplano sa usaping seguridad ng mga dadalo sa 2024 Regional Convention of Jehovah’s Witnesses na gaganapin sa Dagupan simula Hunyo hanggang Agosto.

Sa pahayag ni Contract Representative Lhympz Peñano, dalawang buwan bago ang aktibidad ay nakapagpasa na ng event safety plan o emergency preparedness plan ang planning division ng religious upang matiyak na ligtas ang lahat ng dadalo sa ano mang sakuna o himdi inaasahang mangyari habang on-going ang pagtitipon.

Dagdag nan ni Asst. Regional Spokesman Ryan Torio, sa 20,000 delegado na inaasahang dadagsa ay tiyak naman na hindi sabay sabay ang pagdating ng mga ito sa lungsod. Tinatayang aabutin ng 3,000 hanggang 4,000 indibidwal ang makikisapi sa isang araw upang masiguro rin na hindi makaapekto sa daloy ng trapiko sa lungsod.

Gaganapin sa Regional Convention ang fellowship sa apat na lenggwahe ng Pangasinan, Iloko, Pilipino at Filipino Sign Language.

Pagbabahagi ni Local Spokesman Ahikam Pasion, nasa 16,000 Saksi ang mayroon sa Pangasinan na kabilang sa 209 congregations ang nagsasagawa ng hindi lamang ispiritwal kundi inspirasyonal na fellowship.

Nakakapagtipon ang mga kabilang sa religious group tuwing naisasagawa ang Regional Convention taon-taon na dinadaluhan pa ng mga mula sa Tuguegarao, Aparri at Bulacan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments