Handa na ang Dagupan City Police Station upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa darating na Undas ngayong taon.
Sa naging panayam ng IFM News dagupan kay PLT. Jesus Gerald Manaois, ipapakalat ang nasa 130 na kawani ng pulisya sa pitong sementeryo sa lungsod, terminals at kakalsadahan kasama na ang ilang ahensya ng gobyerno gaya ng Coast Guard, BFP at BJMP.
Katuwang rin ng mga ito para sa seguridad ng publiko ang nasa 130 na force multipliers. Pinaalalahanan rin ni Manaoais ang publiko ukol sa mga mahigpit na ipinagbabawal sa sementeryo.
Payo nito na kung dadalaw sa sementeryo ay ipagdasal na lamang ang mga yumaong mahal sa buhay na rason sa paggunita ng Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments