𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Mas tinututukan ang sektor ng pangkalusugan tulad ng pagpapalakas pa ng healthcare system sa lalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng paglulunsad ng kaliwa’t-kanang mga health programs sa bawat lokalidad ng probinsya.

Nitong linggo lamang nang ilunsad ang Guicosina sa inisyatibo ng gobernadora ng Pangasinan na unang nang umarangkada sa bayan ng Umingan hatid ang masustansyang pagkain.

Layon ng programa na maibahagi partikular sa mga Pangasinenseng malalayo sa central district ng mga bayan at lungsod sa lalawigan.

Isa rin sa plano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang pagtakda sa Region 1 Medical Center (R1MC) upang maging apex o end-referral hospital ng probinsya upang matiyak ang patuloy na serbisyong pangkalusugan mula primary hanggang tertiary healthcare sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ni Gov. Guico III at R1MC.

Sa lokalidad naman ng Manaoag at Dagupan, umaarangkada ang pagtutok sa kapakanang pangkalusugan ng mga bata, vulnerable sector na kinabibilangan ng mga matatanda, pregnant women at iba pang lipon ng komunidad sa pamamagitan ng mga libreng serbisyong medikal tulad ng bakuna, pamamahagi ng gamot at bitamina at iba pa.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang paghahandang isinasagawa ng bawat LGU na may kaugnayan sa pagtataguyod ng health sector ng kanilang mga nasasakupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments