𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦𝗜𝗡 𝗣𝗔

Inihahanda na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang posibleng mga hakbangin na nakaayon sa pagpapalakas ng industriya ng turismo ng Pangasinan.

Kasunod ito ng natukoy na mga pangunahing tourism hubs sa lalawigan kung saan potensyal na nakatutulong sa pagpapaunlad ng kabuuang ekonomiya ng probinsya.

Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Bolinao, Lingayen, Manaoag, San Nicolas at Alaminos City.

Ayon kay Gov. Guico III, ang Bolinao at Alaminos City ay established at kilala na bilang isa sa mga pook-pasyalan o higit dinarayo ng mga turista at bisita.

Ang bayan ng Manaoag, partikular ang Minor Basilica of our Lady of Manaoag na nanguna bilang pinakamalaking tourist attraction sa buong probinsya dahilan ang naitalang milyong dagsa ng mga tao rito.

Plano ring mas paunlarin pa ang Lingayen lalo na at kasalukuyang nang isinasagawa ngayon ang longest reflective pool na itatayo sa Capitol Complex.

Sa San Nicolas, partikular ang brgy. Malico na tinaguriang “Summer Capital ng Pangasinan” ay patuloy ding ipinaglalaban ang territorial claim bilang kabilang naman talaga ito sa bisinidad ng lalawigan. |𝒊𝒇𝒎𝒏𝒆𝒘𝒔

Facebook Comments