Friday, February 13, 2026

‎𝗦𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗩𝗔𝗟𝗘𝗡𝗧𝗜𝗡𝗘’𝗦 𝗗𝗔𝗬, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗗

‎Cauayan City – Nasa full alert status ang Public Order and Safety Division (POSD) Cauayan para sa selebrasyon ng Valentine’s Day ngayong araw, February 14, 2026.

‎Sa naging pahayag ni POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi nito na ilang araw bago ang araw ng mga puso ay nagsagawa sila ng inspeksyon sa mga pampublikong lugar sa lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng mga indibidwal at pamilyang magdiriwang ng Valentine’s Day.

‎Maliban dito, nakipag-ugnayan na rin sila sa management ng mga hotels para tiyaking may parking space ang mga ito para hindi makaabala sa daloy ng trapiko sa lungsod.

‎Ibinahagi rin ni POSD Chief na kahit na mayroong selebrasyon ay dapat maging responsable pa rin ang isang indibidwal lalo na sa kalsada.

‎Kaugnay nito, muling nagpaalala ang POSD sa mga motorista na laging sundin ang batas trapiko at huwag uminom ng nakalalasing na inumin kung magmamaneho lalo na sa gabi.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments