CAUAYAN CITY – Isinagawa ng Cagayan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ang Serbisyo Caravan sa mga liblib na lugar sa bayan ng Baggao.
Kabilang sa mga pinuntahan ay ang Sitio ng Valley Cove, Linawan, at Tabugan ng Barangay Santa Margarita.
Ang mga nabanggit na lugar ay dating apektado ng insurhensiya kung kaya’t patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na maghatid ng pangunahing serbisyo sa pamamagitan ng naturang caravan.
Sa tulong ng iba’t ibang ahensya, naisagawa ang medical at dental mission, bakuna para sa mga bata, libreng gupit at feeding program.
Maliban sa mga ito, may food packs, aklat, laruan, tsinelas, at damit na ibinigay.
Umaabot sa 200 residente ang naging benepisyaryo ng Serbisyo Caravan.
Facebook Comments