𝗦𝗛𝗢𝗖𝗞 𝗔𝗡𝗗 𝗔𝗪𝗘 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗘𝗖𝗨, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬

Cauayan City – Patuloy ang ginagawang shock and awe operations ng Cauayan City Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit sa lungsod ng Cauayan.

Sa pamamagitan ng foot patrolling, nagsagawa sila ng surprise inspection at visitation sa mga junkshops at mga barangay ang kanilang hanay upang masiguro na ang kaligtasan ng publiko.

Bukod pa rito, namahagi rin sila ng pulyetos sa mga residente kaugnay sa kanilang kampanya sa bomb awareness kung saan naglalaman ito ng mga impormasyon patungkol sa Bomb Joke Law, at VAWC Law.


Ang hakbang na ito ay upang maobserbahan ang sitwasyon sa lungsod, at upang mas mapaigting rin ang pagpapanatili ng seguridad ng publiko kontra sa mga Counter Terrorist Groups at iba pang mga kriminal na posibleng mayroong magsagawa ng mga kriminal na aktibidad.

Facebook Comments