𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗟 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗔𝗡𝗧𝗜𝗡𝗘 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗩𝗜𝗔𝗡 𝗙𝗟𝗨

Nanawagan ang Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG na higpitan ang border control points at animal quarantine checkpoint sa Pangasinan kontra Avian Flu.

Sa ekslusibong panayam ng iFM Dagupan kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So, kumpirmado umanong may naitalang kaso na ng bird flu sa probinsiya ng Benguet.

Ang mga namatay na manok sa Benguet ay nagmula umano sa Tarlac kung kaya’t mahalagang maprotektahan ang industriya ng manok.

Matatandaan na mahigpit na binabantayan ang pagpasok ng baboy sa probinsiya matapos makapagtala ng kaso ng ASF ang ilang kalapit lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments