𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗟𝗬𝗢

Nakaambang tumaas ang singil sa kuryente simula Hulyo hanggang Setyembre ayon sa isang electric provider sa Dagupan City matapos makita ang pagtaas ng demand sa kuryente ng kanilang mga konsyumer sa mga nakalipas na buwan.

Isa ring dahilan umano sa taas singil ay ang sunod-sunod na shutdown ng mga nagsusuplay ng kuryente na nagdulot ng pagnipis sa suplay ng kuryente.

Samantala, inaantabayanan rin ng electric provider ang dagdag singil sa generation at transmission costs dahil sa higher purchase power cost mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Sa kabilang banda, naglabas ng kautusan ang Energy Regulatory Commission (ERC) na huwag isama ang sub-generation costs sa taas singil bagkus, ang mga konsyumer ay sisingilin sa pamamagitan ng staggered payment sa susunod na apat na buwan.

Pinaalalahanan din ng ERC ang bawat konsyumer na magtipid sa paggamit ng kuryente upang hindi tumaas ang kanilang bayarin sa kuryente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments