Maaaring bababa ang singil sa kuryente sa mga susunod na buwan kung magtutuloy-tuloy umano ang malamig na panahon, ayon sa Dagupan Electric Corporation (DECORP).
Sa naging panayam ng IFM DAGUPAN kay DECORP Incoming COO Atty. Randy Castillan, ito ay sa kabila ng ipapatong na generation rate makaraang mapagkasunduan na hatiin sa tatlong buwan o mula nitong Hulyo hanggang Setyembre ang nasa . 6738 kw/h upang hindi gaanong mabigatan ang mga consumer sa isahang bagsak ng dagdag ng generation rate.
Matatandaan na noong buwan ng Hulyo, tinaasan ng DECORP ang electricity rate na 11. 065 Lada kilowatt-hour sa mga residential customers nito.
Samantala, hinihikayat nito na maagang magbayad upang hindi na maabala at sakaling makaranasng anumang insidente na may kaugnayan sa electric provider ay isangguni ito sa kanilang tanggapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨