𝗦𝗜𝗧𝗚, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗢 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟𝗢𝗥 𝗢𝗡𝗜𝗔

Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Pangasinan Police Provincial Office upang imbestigahan ang nangyaring pamamaril Kay Umingan Councilor Ponciano Onia Jr.

Sa isinagawang case conference kahapon, ikinasa ang SITG sa tulong ng ibat ibang opisina ng ahensya kasama na ang ilang support units upang malaman sino ang gumawa maging ang mga sangkot sa Pagpatay sa konsehal.

Si Onia, ay pinagbabaril sa barangay lubong sa bayan habang minamaneho ang kaniyang sasakyan noong Sabado.

Kinondena rin ng PANGPPO ang Pagpatay sa konsehal. Hangad umano ng mga ito na agad na malutas ang kaso at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Onia. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments