𝗦𝗜𝗬𝗔𝗠 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬, 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥𝗘𝗗 𝗡𝗔

Siyam na barangay sa Binmaley ang nadagdag sa listahan ng mga drug- cleared barangay.

Tinanggap ng mga ito ang Certificates and Resolutions of Drug-cleared Status mula sa Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing.

Ang mga barangay na ito ay kinabibilangan ng Balagan, Baybay Lopez, Baybay Polong, Caloocan Norte, Canaoalan, Camaley, Lomboy, Naguilayan at Sabangan na sumailalim sa masusing balidasyon ng awtoridad.

Patuloy ang pang hihikayat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na panatilihin ang pagiging drug-cleared bilang pakikiisa sa hakbang ng pamahalaan na mawakasan ang problema sa illegal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments