𝗦𝗜𝗬𝗔𝗠, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗥𝗔𝗕𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Pumalo na sa siyam ang naitalang nasawi ng Provincial Health Office (PHO) dahil sa rabies mula Enero hanggang Hunyo, ngayong taon.

Ayon sa datos, ang mga nasawi ay mula sa bayan ng Aguilar,dalawang taga- Sison, Bayambang, Binalonan, Bolinao, dalawang taga-Mangatarem, at Tayug, na halos lahat sa kanila ay nakagat.

Sa kasamaang palad, isa lamang ang bakunado sa kanila at ang ibang biktima ay pawang hindi bakunado ng anti-rabies vaccine na siyang naging dahilan ng pagkasawi ng kanilang buhay.

Ang bilang ay mas mataas mula sa apat lamang na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments