Wednesday, February 18, 2026

𝗦𝗞 𝗖𝗛𝗔𝗜𝗥𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔. 𝗖𝗥𝗨𝗭, 𝗟𝗔𝗚𝗨𝗡𝗔, 𝗛𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗨𝗠𝗔𝗡𝗛𝗜𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗩𝗜𝗥𝗔𝗟 𝗩𝗜𝗗𝗘𝗢

Cauayan City – Humingi ng paumanhin ang SK Chairperson ng Sta. Cruz, Laguna na si Mark Adrian Napiza matapos kumalat sa social media ang isang video kung saan makikita siyang humahawak sa mga naka-display at itinitindang siopao at hotdog sa isang convenience store.

‎Ayon sa kanya, biro lamang ang kanyang ginawa at bahagi ng content kasama ang kanyang mga kaibigan.

‎Mabilis na kumalat ang video noong Lunes, Pebrero 16, 2026, kung sana binatikos ito ng publiko dahil sa unsanitary practices.

‎Samantala, ipinag-utos ni Sta. Cruz Mayor Benjo Agarao ang imbestigasyon sa insidente, na binigyang-diin na hindi magandang halimbawa ang ipinakita ng SK chairperson.

‎Kahapoh, Pebrero 17, 2026, naglabas si Napiza ng pormal na pahayag upang humingi ng tawad.

‎Boluntaryong niyang inalis ang video sa social media at tiniyak na lahat ng kanyang hinawakan na pagkain ay binayaran sa mismong araw.

Inako ni Napiza ang buong pananagutan sa kanyang pagkakamali at nangako na magiging mas maingat sa hinaharap.

🎥

: Rovie/Tiktok
————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments