
Cauayan City – Naglatag ng mas pinaigting na hakbang laban sa mga aksidente sa kalsada ang San Agustin Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng San Agustin.
Kabilang sa hakbang na ito ay ang paglalagay ng mga “Slow Down – Accident Prone Area” signage sa mga lugar na may mataas na insidente ng vehicular accidents.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang hakbang matapos ang masusing assessment at koordinasyon upang matukoy ang mga high-risk areas gaya ng matatarik na kurbada, madudulas na bahagi ng kalsada, at mga lugar na mabilis ang daloy ng sasakyan.
Binigyang-diin ng kapulisan ng San Agustin na ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na kampanya para sa disiplina at responsableng pagmamaneho.
Hinihikayat din ang publiko na sumunod sa itinakdang speed limit, iwasan ang distracted driving, at tiyaking maayos ang kondisyon ng sasakyan bago bumiyahe, tungo sa mas ligtas at maayos na lansangan sa San Agustin.
Source: San Agustin Mps Valley Cops
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










