𝗦𝗢𝗖𝗜𝗢-𝗖𝗜𝗩𝗜𝗖 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧𝗦 𝗙𝗨𝗡𝗗 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗡𝗔𝗜𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗔

Naipamahagi na sa mga barangay officials maging mga SK Chairman sa bayan ng Basista ang kanilang socio-civic projects fund sa 2023 Christmas Season mula sa Deputy Executive Secretary for Finance and Administration.

Tumanggap ng tig-3, 000 piso ang bawat opisyal mula sa Barangay Chairman, Kagawad, Secretary, Treasurer at mga SK Chairman sa labing tatlong barangay ng Basista.

Pinamunuan ng Municipal Treasury Office ng lokal na pamahalaan ang pagpapamudmod at nagpahayag ng galak sa assistance fund sa bawat barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments