Friday, January 23, 2026

𝗦𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗔𝗧 𝗪𝗜𝗡𝗗-𝗣𝗢𝗪𝗘𝗥𝗘𝗗 𝗖𝗢𝗟𝗗 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗔𝗚𝗘, 𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗜𝗡𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗖𝗘𝗗𝗘𝗦


Cauayan City – Itatayo ang isang hybrid solar at wind-powered modular cold storage facility sa Barangay Napaccu Grande, Reina Mercedes, sa likod ng Public Market at Bagsakan Center.

Sinimulan na ang konstruksyon ng proyekto noong ika-20 ng Enero, na inaasahang makakatulong upang mapabuti ang imprastraktura sa agrikultura ng bayan at mabigyan ang mga magsasaka at mangingisda ng makabagong post-harvest na solusyon.

Ang proyektong nagkakahalaga ng P12.87 million ay pinondohan ng Department of Agriculture – Regional Field Office II sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Reina Mercedes.

Layunin nitong mabawasan ang post-harvest losses, pahabain ang shelf life ng mga produktong madaling masira, at madagdagan ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng energy-efficient na pasilidad na gumagamit ng solar at wind energy.

Ayon kay Mayor Ma. Lourdes Respicio-Saguban, patunay ang proyekto ng patuloy na adbokasiya ng bayan sa makabago at sustenableng agrikultura. Samantala, sinabi ni DA Regional Director Rosemarie Aquino na makatutulong ito upang higit pang mapalakas ang sektor ng agrikultura sa Reina Mercedes at sa buong Isabela.

‎‎—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments