Labing isang (11) collapsible solar dryers mula sa Department of Agriculture (DA) ang ipinamahagi para sa Municipal Agriculture ng Manaoag sa flag raising ceremony ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag, nitong ika-9 ng Enero.
Base sa mga pahayag ni Municipal Agriculturist Engr. Arnold Raul E. Geronimo, ang mga naturang solar dryers ay makatutulong diumano sa pagpapabilis ng pagpapatuyo ng mga palay. Ayon pa sa kanila, kaya nito makapagpatuyo ng higit kumulang apatnapung (40) kaban ng palay at mais kumpara sa tradisyonal na pagpapatuyo sa mga ito.
Samantala, inihayag ng alkalde ng bayan ang nalalapit na paglilipat ng opisina ng Municipal Agriculture sa Barngay Cabanban. Ang naturang hakabang ay makatutulong sa mga magsasaka na magkaroon ng access sa kanilang mga kinakailangang binhi, pataba, at iba pa, sa kanilang mga sakahan.
Ang alkalde ay patuloy din sa pagsasagawa ng iba’t-ibang imprastraktura sa nasabing bayan para sa benepisyo ng mamamayan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨