Nais matalakay ng mga motorboat drivers sa mga island barangay sa Dagupan City ang solusyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mataas na presyo ng produktong petrolyo sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.
Ayon sa ilang motorboat drivers sa lungsod isa sila sa patuloy na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa ngayon anila, Nahihirapan ang mga ito na sabayan ang presyo petrolyo dahil nasa 700 pesos lamang ang kinikita ng mga ito kada araw.
Idagdag pa aniya ang boundary dahil nakikipasada lamang ang mga ito.
Kung susumahin umano kakarampot na lamang ang naiuwing kita ng mga ito na sinabayan pa ng mataas na bilihin.
Maliban sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo panawagan din ang fuel subsidy at ilan pang assistance mula sa pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨