Ikinababahala ng ilang residente sa Brgy. Poblacion West, Asingan ang mga tila ‘spaghetti’ na kawad ng kuryente at halos natutumbang lumang kahoy na poste na maaring magdulot ng aksidente.
Sa isinagawang session ng Sangguniang Bayan, ipinatawag ang tatlong telecommunication service provider at isang electric service provider na nagmamay-ari ng mga wires at poste na tinukoy na peligroso dahil sa hindi maayos na installment ng mga ito.
Ayon sa PANELCO III, taong 2019 bago ang pandemic ay napalitan na ang mga poste sa lugar ngunit hindi naisama sa mga napalitan ang mga inirereklamo dahil sa mga kawad na nakakabit na pag-aari ng mga telecommunication service providers.
Dahil dito,sinabi ng tanggapan na susuriin na nila ang bawat kable na ikinakabit sa kanilang mga poste. Tiniyak naman ng tatlong service providers na naimbitahan sa session ang monitoring ng kanilang kable sa naturang poste upang agad na maisaayos at hindi na makaperwisyo sa publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨