Muling nagpaalala ang Social Security System (SSS) Dagupan sa mga employer na bayaran ang kontribusyon ng kanilang manggagawa.
Ito ay sa kabila nang pagsasagawa ng ahensiya ng Run After Contribution Evaders o RACE. Layunin nito na mapaalalahanan ang mga delinquent employer o amo ng kanilang obligasyon na i-remit sa SSS ang kontribusyon na kinakaltas sa sweldo ng kanilang mga manggagawa.
Ayon kay Assistant Branch Head ng SSS Dagupan Jocelyn Lim, huling sinuyod ng tanggapan ang bayan ng San Fabian matapos na bisitahin ang labindalawang (12) employer.
Siyam na negosyante mula rito ang hindi pa nakakapag-rehistro ng kanilang negosyo sa SSS at tatlo naman ang hindi nagbabayad ng kontribusyon ng kanilang manggagawa sa SSS.
Binigyang ang mga ito ng pagkakataon na ayusin ang kanilang obligasyon upang mapatawan ng karampatang parusa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨