Pormal nang isinailalim ang San Fernando City sa lalawigan ng La Union sa State of Calamity matapos ang naganap na insidente ng sunog sa kanilang City Auxiliary Market noong ika-11, 2024.
Idineklara ang State of Calamity sa lungsod ng Sangguniang Panlungsod nitong Enero 12, 2024 sa isang espesyal sesyon sa bisa ng City Resolution No. 24-009.
Matatandaang hiniling ng alkalde ng lungsod na si City Mayor Hermenegildo Gualberto katuwang CDRRMO na ideklara ang lungsod sa ilalim ng State of Calamity dahil upang agad na makagawa ng paraan sa konstruksyon ng panibagong pamilihan sa lungsod at upang maibalik na ang normal na bentahan sa pamilihan ng 1, 156 stall owners na pangunahing naapektuhan sa sunog.
Nakapwesto naman ang mga stall owners sa palibot ng San Fernando Shopping Mall (Round Market) at sa hilera ng P. Burgos Street sa dating Wet Market at pansamantalang public market.
Samantala, patuloy na isinasagawa ng ng lokal na pamahalan ng lungsod ang paglilinis sa nasunog na pamilihan dahil umaalingasaw na ang baho mula sa palengke.
Dahil sa masangsang na amoy mula sa palengke, pinapayuhan ang publiko na madadaanan ang palengke na magsuot ng facemask para iwas sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨