๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—  ๐—ฆ๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—ข. ๐Ÿฎ, ๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก๐—”๐—”๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—š๐—ฆ๐—ข๐—— ๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—จ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก

CAUAYAN CITY- Nasa ilalim na ng Tropical Wind Cyclone Signal no. 2 ang Lungsod ng Cauayan dulot ni Bagyong Marce ngayong araw ika-7 ng Nobyembre.

Matatandaang sumailalim sa signal no. 1 kahapon ang Lungsod kung saan sinuspinde ang pasok ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Senior High School.

Kaugnay nito, nakaranas din ng pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ilog dahilan upang pansamantalang hindi madaanan kahapon ang Alicacao Overflow Bridge dahil sa pag-apaw nito.


Kabilang din sa mga lugar na nasa ilalim ng signal no 2 ay ang bayan ng San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, at Cabatuan habang signal no.1 naman ang natitirang bahagi ng Isabela.

Facebook Comments