Nakataas na ang Storm Surge Warning o banta ng daluyong sa iba’t-ibang lugar sa Region 1 dulot pa rin ni Bagyong Nika.
Sa Ilocos Norte, kabilang dito ang mga bayan ng Bacarra, Badoc, Currimao, Laoag City, Paoay, Pasuquin, habang sa Ilocos Sur, sa Cabugao, Caoayan, City of Candon, City of Vigan, Magsingal, Narvacan, San Esteban, San Juan (Lapog), San Vicente, Santa Catalina, Santa Cruz, Santa Lucia, Santa Maria, Santiago, Santo Domingo, Sinait, Tagudin.
Sa La Union, nakataas ito sa mga bayan Agoo, Aringay, Bacnotan, Balaoan, Bangar, Bauang, Caba, City of San Fernando, Luna, Rosario, San Juan, Santo Tomas habang sa Pangasinan ay mga lugar sa Agno, Anda, Bani, Binmaley, Bolinao, Burgos, City of Alaminos, Dagupan City, Dasol, Infanta, Labrador, Lingayen, San Fabian, Sual.
Matatandaan sa mga nagdaang bagyo kung saan mayroong itinaas na storm surge ay naranasan ang matinding pagbaha sa ilang bahagi ng rehiyon. Kasunod nito, inaasahan ang posibleng pagtaas sa lebel ng tubig sa susunod na 48 oras sakaling magtuloy-tuloy ang epekto ni Bagyong Nika sa lalawigan. Hinimok ang mga residente sa Ilocos Region na maghanda sa maaaring epekto ng bagyo sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨