Maayos ang kalidad at sukat ng mga ibinebentang itlog sa lungsod ng Dagupan sa kabila ng nararanasang epekto ng El Niño Phenomenon sa egg production sa ilang bahagi ng bansa.
Matatandaan na nauna nang inihayag ng Philippine Egg Board Association na bunsod ng mainit na panahon ay ang pagprodyus ng mga manok ng mga maliliit na itlog.
Sa kasalukuyan, naglalaro sa PHP 4 hangga PHP 4.50 ang pinakamababang presyo ng kada piraso ng itlog bagamat hindi gaya ng inaasahang size, ay nasa katamtamang laki ito para sa nakatakdang presyo.
Ayon sa mga egg vendors, inaasahan daw ng mga ito na maaaring sa mga susunod nilang pagbili ng itlog ay dumating na ang mga maliliit na size ng produkto.
Samantala, kaugnay nito ay nakapagtala na rin ang ilang poultry farms ng namamatay na mga manok dahil sa patuloy na nararanasang init ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨