Nananatiling matatag ang produksyon ng baboy sa buong Rehiyon Uno sa kabila ng bantang dulot ng African Swine Fever o ASF ayon sa Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG.
Nakaantabay din ang iba’t-ibang Agriculture Office ng mga munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan upang mamonitor ang kalagayan ng mga piggery farms sa kanilang nasasakupan.
Bagamat nasa hanggang 20% ang mga tumigil sa pag-aalaga ng baboy, ay hindi umano ito nakakaapekto sa kabuuang suplay dito sa Ilocos Region.
Sa Dagupan City, walang pagbabago sa presyuhan ng nasabing produkto kung saan nasa ₱340 pa rin ang kada kilo ng baboy. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments