Nagkakaubusan na ngayon ang suplay ng bakuna kontra rabies dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng animal bites sa lungsod ng Dagupan.
Isa sa itinuturing na dahilan ay ang nararanasang matinding init ng panahon, na nagreresulta sa pagiging agresibo ng mga alagang hayop.
Dahil dito, dinadagsa ang Dagupan City Health Office. Ayon sa CHO, umabot na sa 4,523 ang kabuuang naitalang kaso ng animal bites simula Enero hanggang Mayo 2024.
Sa kasalukuyan, pinapaalalahanan ng Dagupan CHO ang ibayong pag-iingat sa pakikisalamuha sa mga alagang hayop ngayong nararanasan pa rin ang matinding init ng panahon. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments