𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘; 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚𝗨𝗡𝗜𝗧 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗠𝗔𝗟

Walang dapat ipangamba ang mga mamimili sa suplay ng isdang bangus sa mga pamilihan sa Dagupan City ayon sa City Agriculture Office.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay CAO Officer in Charge John Patrick Dizon na matatag o stable ang suplay ng isdang bangus sa lungsod sa kabila ng nararanasang malamig na panahon.

Aniya bagama’t nararanasan ang malamig na panahon, hindi naman naaapektuhan ang mga palaisdaan sa Lungsod kung saan wala pang natatanggap ang tanggapan ng CAO na may mga namamatay na isdang bangus dahil sa lamig mula sa mga bangus growers.

Samantala, ang presyuhan ngayon ng isdang bangus sa Lungsod ay nasa ₱130-₱150 ang medium na bangus habang nasa ₱170-₱190 ang big size na bangus ayon sa mga nagtitinda ng bangus.

Ayon pa sa mga tindera sa Magsaysay fish Market sa lungsod, dahil sa dami ng suplay ng bangus at kahit na mababa na ang bentahan nito ngayon ay nahihirapan pa rin sil sa pagbebenta dahil kakaunti lamang ang mga namimili ngayon.

At kahit kakaunti lamang umano ang mamimili kahit papaano at may nabebenta pa rin sila sa araw-araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments