𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗟𝗔𝗡

Apektado ngayon ang suplay ng bangus sa Dagupan City bunsod ng tuloy-tuloy na pag-uulan.

Ayon sa ilang tindero, kumaunti ang pumapasok na bangus sa Magsaysay Fish Market na siya namang nakaapekto sa presyohan na umaabot na sa 160 pesos kada kilo mula sa 140 pesos na presyo nito.

Ayon sa SINAG, nakaapekto ang malamig na panahon sa presyo at laki ng ibinebentang bangus.

Samantala, ilang retailers naman ang nagbawas na rin ng inaangkat na bangus upang hindi umano mabigatan sa presyo nito.

Inaasahan naman na babalik sa normal ang presyuhan ng bangus sa Dagupan, oras na maging maayos na ang panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments