Tiniyak ng pamunuan ng Region 1 Medical center na sapat ang suplay ng dugo sa naturang hospital.
Inihayag ito ni R1MC Medical Officer III, Dr. Chino Paolo Samson sa ginanap na Blood Donor Recruitment, Selection and Screening Seminar.
Ayon kay Samson, ngayong taon nasa 70% pa lamang ang na-issuehan nito, o katumbas ng 6,546 units mula sa 9,256 units na kinakailangan nila.
Aniya, pumapalo sa 30% ang mga hindi gustong magdonate ng dugo ngunit hindi pumasa sa criteria ng pagdodonate.
Isa pa umano sa naging dahilan ng pagbaba ng mga bilang ng mga nagdodonate ay ang COVID-19 pandemic.
Patuloy naman ang panghihikayat ng R1MC sa mga mamamayan na magdonate ng dugo, dahil sa marami ang nangangailangan nito.
Ngayong buwan ng Hulyo ay ipinagdiriwang ang Blood Donor’s Month. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨