Sa kabila ng nararanasang El Niño sa lalawigan ng Pangasinan, tiniyak naman ng isang water provider sa Dagupan City na wala pang nararanasang kakulangan ng tubig sa lungsod.
Ayon Marge Navata, ang Head Public Relations and Marketing Division ng PAMANA Water District Dagupan na wala pa umano silang namomonitor na mga lugar sa lungsod na nakakaranas ng kaunting suplay ng tubig o ng low water pressure dahil sa tagtuyot.
Bagama’t nitong mga nakaraang linggo ay nakaranas ng pagkawala ng tubig ay ito naman ay isang isolated case dahil sa nasirang pipeline sa bahagi ng M.H. Del Pilar matapos aksidenteng natamaan ito ng excavator na agad namang naibalik.
Aniya, partikular umano nilang binabantayan ay ang mga Barangay Islands dahil kapag sasapit na ang peak hours ay nakakaranas sila ng mahinang tubig.
Tiniyak naman ng pamunuan na nasa maayos ang kanilang 25 na pumping station upang makapag suplay ng tubig sa mga konsyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨