𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗦𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗘𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟, 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔

Tayug, Pangasinan – Aabot sa higit dalawang libong dosage ng bakuna ang muling naihatid ng Department of Health Region 1 sa Eastern Pangasinan District Hospital.

Isinasaayos na sa ngayon ang mga pangalan ng makatatanggap sa ikalawang dosage ng bakuna sa nasabing ospital. Paalala pa rin ng mga health expert ang patuloy na pagsunod sa minimum health standards kahit nabakunahan na dahil ang vaccine ay isang proteksyon lang din naman laban sa virus.

Sa ngayon, target nilang maumpisahan ang pagbabakuna ng 2nd dose sa mga susunod na araw.


Facebook Comments