𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗔𝗥𝗜𝗔𝗡 𝗥𝗘𝗙𝗢𝗥𝗠 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗥𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗜𝗬𝗔𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗥 𝗥𝟭

Nagbigay katiyakan ang Department of Agrarian Reform Region 1 ang mga support services na kanilang inihahatid para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries nito o ARBs.

Ayon kay DAR Region 1 Regional Director Maria Anna Fransisco, siyam na support services ang pinalalakas pa ng tanggapan para sa pagbibigay ng serbisyo sa kanilang mga benepisyaryong magsasaka.

Kabilang na rito ang patuloy na paggawad sa ARBs ng sariling titulo ng lupa na kanilang magagamit sa pansaka at matawag na sariling lupang pag-aari.

Sinisiguro rin ng tanggapan na dumaan sa tamang proseso ang mga benepisyaryo para masigurong napakikinabangan ng maayos ang mga lupain na iginagawad.

Samantala, nasa 50,377 na ang Agrarian Reform Beneficiaries sa lalawigan ng Pangasinan at nakikinabang sa mga support services na hatid ng tanggapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments