Inihayag ng Department of Labor and Employment Region 1 sa naganap na information and service caravan on child labor ang patuloy na pagsuporta sa mga identified at risk child laborers sa rehiyon.
Ayon kay DOLE Region 1 Regional Director Exequiel Ronie A. Guzman, kinakailangan ang pagkakaisa upang suportahan ang kabataan at mga magulang na nasa hanay ng mahihirap nang sa gayon ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga ito gamit ang mga serbisyo ng pamahalaan.
Kamakailan ay nasa higit isang daang identified at-risk child laborers sa lalawigan ang nakibahagi sa isinagawang information and service caravan on child labor ng DOLE R1 kung saan napamahagian ang mga ito ng mga food items, learning supplies, hygiene kits, at livelihood projects.
Ang programang ito ay bahagi ng Project Angel Tree mula sa tulong-tulong at pagkakaisa ng national at local agencies, local at provincial government unit at ng mga benefactors. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments