𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗢𝗨𝗦 𝗣𝗘𝗢𝗣𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬

Nagpapatuloy ang pagbibigay suporta ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa mga kababayang katutubo sa Ilocos Norte.

Inilunsad sa bayan ng Adams sa probinsiya ang proyektong Hapag Katutubo na naglalayong masuportahan ang Indigenous People (IPs) sa pagpapataas sa kanilang produktibidad sa pang-agrikultura upang magkaroon sila ng mga oportunidad na makapagbibigay ng pangmatagalang hanapbuhay o pagkakakitaan.

Target ng tanggapan sa proyektong ito na mabenepisyuhan ang Yapayao at Kankanaey IP communities na naninirahan sa labing limang libong ektarya ng lupa sa Adams. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments