𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗢𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡

Sumailalim sa interview at pagsisiyasat ang mga solo parents sa lungsod ng Dagupan na nais maging kabilang sa mabebenipisyuhan ng Expanded Solo Parent Act.

Katuwang ng alkalde na personal nakipag-usap sa mga ito ang Solo Parent Assessment Team kung saan dinala ang ilang mga kinakailangang impormasyon ukol sa pagiging solo parents.

Nasa isang libo at dalawang daan (1200) ang inaasahang magiging benepisyaryo ng isang libo piso (P1000) kada buwan ng tulong pinansyal.

Nagpahayag naman ng suporta ang alkalde ng lungsod at tiniyak ang mga tulong na nararapat para sa mga ito. |𝒊𝒇𝒎𝒏𝒆𝒘𝒔

Facebook Comments