𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗡𝗜 𝗦𝗨𝗔𝗟 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗨𝗚𝗔𝗬, 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗕𝗘𝗥𝗦𝗜𝗬𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗞𝗔𝗟𝗗𝗘

Iginiit ng daan-daang supporters ni Sual Mayor Liseldo “Dong” Calugay ang ‘full support’ sa paghahain nito ng kandidatura para sa ikatlo at huling termino nito sa parehong posisyon kahapon.

Nakasuot ng pulang damit ang mga supporters at sinisigaw ang pangalan ng alkalde habang nagmamartsa mula sa simbahan patungo sa munisipyo ng Sual.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa isang supporter ng alkalde, inilatag nito ang mga programa at aktibidad na patuloy umanong isinasagawa ng alkalde mula nong unang beses itong mahalal sa bayan.

Kabilang dito ang pension ng mga senior citizens, birthday o valentine package sa mga manggagawa at mabilis na access sa cash at food assistance sa mga barangay at kabahayan nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

Dagdag ng mga ito, hindi umano kinikilingan ni alkalde ang anomang ilegal na gawain kaya malabong kasabwat ito sa isyu ng POGO.

Matatandaan na ipinatawag sa Senate hearing ang alkalde dahil sa ugnayan umano nito kay tinaguriang “POGO Queen” Dismissed Bamban Mayor Alice Guo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments