𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗙𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Arestado sa isinagawang entrapment operation ng awtoridad sa Brgy. Poblacion, Balungao ang 42 anyos na suspek mula San Jose City, Nueva Ecija na si Nasarino Somera.

Naganap ang operasyon matapos magsumbong sa awtoridad ang biktima na si Johnny Villanueva mula Burgos, Isabela. Ayon sa imbestigasyon, March 23 nang tumawag ito para umorder ng ilang sako ng bigas sa suspek na ang pakilala ay nasa Manila umano. Agad namang nagpadala ng P9, 000 ang biktima bilang paunang bayad sa kanilang transaksyon. Muli itong nagpadala ng parehong halaga sa sumunod na araw ngunit wala pang na-idedeliver na sako ng bigas.

Dito na nag-umpisang kabahan ang biktima at nang kanya itong tawagan, nagulat siya ng mula Balungao ang sumagot sa tawag.

Narekober dito ang P5, 000 at kasalukuyang nasa kustodiya ng Balungao Police Station. Kasalukuyang inihahanda ang kasong kakaharapin nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments