𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗗𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Huli sa aktong pagnanakaw ang 34 anyos na residente ng Tondo, Manila kinilala bilang si Ferdinand Tañada matapos itong makita ng mga katabing tindera ng ninakawan nitong tindahan.

Sa salaysay ng biktima na si Rosita Castro residente ng Brgy.Naguelguel, Lingayen, may kausap umano itong kustomer nang maganap ang insidente at nang mapansin na kulang ang bayad nito ay saka niya ito hinabol ngunit napag-alaman na naiwan pala ng kustomer ang bag nitong naglalaman ng cellphone, identification cards at P19000.

Tinangay ng suspek ang bag nguniti nahuli siya sa akto ng mga tindera.

Haharap sa kasong pagnanakaw ang naarestong suspek kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments