𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝟮𝟬 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗞𝗢𝗟𝗘𝗛𝗜𝗬𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗕𝗔𝗬𝗪𝗔𝗟𝗞, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗦𝗧𝗢𝗗𝗜𝗬𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔

Hawak na ng Lingayen Police Station ang suspek sa pagpatay sa 20 anyos na 3rd year student na si Evalend Salting na natagpuan ang bangkay sa Lingayen Baywalk noong ika-24 ng Setyembre.

Ang suspek kasintahan umano ng biktima, 21 anyos, residente sa bayan ng Anda at estudyante rin sa Pangasinan State University, Lingayen Campus.

Ayon sa lumabas na saksi sa krimen, nakita niyang nag-aaway ang magkasintahan ngunit hinayaan niya lamang ang mga ito dahil inakalang away magkasintahan ang nagaganap. Nang bumalik ito, dito na niya nakita na inililibing ng suspek ang biktima.

Nadakip ang suspek nang pumunta ito sa himpilan ng pulisya kung saan nagkataon na nandoon din ang saksi upang ireport ang naganap na krimen at tukuyin ang suspek.

Kinasuhan na ng rape with homicide ang suspek.

Sinusubukan ng IFM News Dagupan na makipag-ugnayan sa pamilya at kaanak ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments