Tuesday, February 10, 2026

𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗢𝗠𝗕𝗢𝗡𝗚, 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔

‎Cauayan City – Sumuko sa Bayombong Police Station ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa isang tricycle driver sa Brgy. Casat, Bayombong, Nueva Vizcaya noong unang araw ng Pebrero taong kasalukuyan.

‎Ayon sa pulisya, ang sumukong suspek na kinilalang si alyas “Mamon” ay isa ring tricycle driver at itinuring na person of interest dahil sa kaugnayan niya sa babaeng alyas “Inday,” na huling nakitang sakay ng tricycle ng biktima.

‎Inamin umano ng suspek na si “Inday” ang nagplano ng holdapan na nauwi sa pagpatay.

‎Batay sa imbestigasyon, sinundan ng suspek ang biktima matapos itong tawagan ng babaeng suspek at doon isinagawa ang krimen.

Matapos ang krimen, itinapon umano ang bangkay sa isang kanal at kinuha ang halagang P65,000 na pinaghatian ng mga suspek.

‎Boluntaryong sumuko ang suspek at nagpahayag ng pagsisisi sa nagawang krimen.

‎Ayon sa pulisya, sasampahan ng kaukulang kaso ang sumukong suspek gayundin ang babaeng suspek na patuloy pang hinahanap ng mga awtoridad.
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments