Tuesday, January 20, 2026

𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢 𝗦𝗔 𝗚𝗢𝗕𝗬𝗘𝗥𝗡𝗢 𝗔𝗧 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚

Muling sinuspinde ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas ng paaralan sa lungsod ng Dagupan ngayong araw. Kasunod ito ng nararanasang pag-uulan dahil sa bagyong Carina at pagbaha mula sa upstream.

Nakasaad sa Executive Order No. 21 Series of 2024, nasa mga pamunuan naman ng mga pribadong kompanya ang pagsuspinde ng pasok sa kanilang tanggapan. Magpapatuloy naman ang pagbibigay ng frontlines services gaya ng medical at emergency response.

Pinalawig din ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas ng paaralan ngunit Pinauubaya naman nito sa mga LGUs at pribadong kumpanya ang desisyon sa pagsususpendi ng pasok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments